Kylie Padilla, nagpahiwatig sa acting comeback

Habang naka-focus ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa pagiging hand-on mom at pag-iingat sa kasagsagan ng pandemya, maraming fans naman niya ang naghihintay sa kaniyang comeback sa showbiz.

Nagpahiwatig naman si Kylie sa social media ng isang magandang balita tungkol sa isang acting role, na labis ikinatuwa ng kaniyang fans.

Sa kaniyang IG Post, ibinahagi niya ang isang larawan na may caption na: “MY GAHD. BETH GETS KITA. CHEERS! Be you soon.”

Agad namang nag-comment ang followers ni Kylie na may haka-hakang upcoming project ito ng aktres at nagpahayag ng kanilang kagustuhang muling mapanood sa telebisyon ang kanilang idolo.

Sabi ng isang follower, “Finally our Reyna Amihan is back, excited for this.”

Biro naman ng isang netizen, “Tila sigurado na talaga ito, ‘di na tayo maho-hopia pa.”

Nagsimula ang showbiz career ni Kylie Padilla nang mapasama siya sa cast ng 2008 television drama series na Carlo J. Caparas’s Joaquin Bordado.

Mas sumikat pa si Kylie nang magbida siya sa Encantadia requel noong 2016.

Huli siyang napanood sa Kapuso series na TODA One I Love noong 2019.

Ikinasal si Kylie kay Aljur Abrenica noong December 2018.

Nito lang February 2021, ipinagdiwang nila ang ika-10 anibersaryo ng kanilang relasyon.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas at Axl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *