Kylie Padilla, may matinding pasabog laban kay Aljur Abrenica

Mapang-asar din talaga itong si Kylie Padilla, dahil habang nanggagalaiti ang asawa niyang si Aljur Abrenica dahil sa inumpisahang isyu ng ‘infidelity’ na ibinabato sa kaniya, mas lalo pa niya itong ininis.

Sa latest Instagram post ni Kylie, sinampal niya si Aljur ng isang katotohanang hindi niya ito masisira at mapapabagsak kahit ano pa ang sabihin nito.

Sa larawan ni Kylie na kasama ang dalawang anak, pinamukha niyang masaya siya at talunan talaga si Aljur.

“I have all I could want already. Para sa lahat ng nag-alala sakin. I’m really ok. Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what” saad ni Kylie sa kaniyang caption.

May punto naman si Kylie, hindi dedepende sa ibang tao ang magiging sitwasyon ng kaniyang buhay.

May kasalanan man si Kylie o wala, karapatan niyang protektahan ang sarili lalo na para sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

Samantala, kung hindi kayang tibagin ni Aljur si Kylie, nanggigil naman siya sa mga rumaratrat sa kaniya at sa mga nag-imbento umano ng kuwento.

Binuwelahan ni Kylie ang veteran writer-broadcaster na si Cristy Fermin dahil sa kuwento ng huli na may kausap daw palagi si Kylie sa telepono.

“Kahit raw madaling araw, oo meron siyang kausap sa phone bumaba siya. Kahit sa kusina, ganon-ganon, meron siyang kausap,” chika ni Cristy.

Sagot naman ni Kylie sa kaniyang buradong post sa Facebook, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. ‘Wag niyong hintayin magsalita ako tungkol sa inyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.

“Tingnan niyo mga mali niyo sa sarili n’yo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha n’yo sa pagsisira sakin? GROW UP. Ang tatanda niyo na.

“At sana kung sisirain niyo ako, totoo ang mga pinagsasabi niyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili n’yo.”

Samantala, eksklusibong makakapanayam ni Jessica Soho si Kylie tungkol sa mga paratang sa kaniya ng dating mister, kaya huwag palampasin ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo (October 24) sa ganap na 8:40 p.m. sa GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *