Kylie Padilla, binasag na ang katahimikan sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Naglabas na ng pahayag si Kapuso actress Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica ngayong gabi, July 8.

Ito ay matapos kumpirmahin mismo ng ama ng Kapuso actress na si Robin Padilla sa talent manager at celebrity vlogger na si Ogie Diaz na naghiwalay na nga ang mag-asawa dahil sa third party.

Sa pahayag ng aktres, binigyang-diin niya na sa ganitong pagkakataon, hindi lang sila ni Aljur ang naaapektuhan, kundi maging ang kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kaya humihiling ng respeto ang aktres mula sa mga taong nakasubaybay sa kanilang relasyon at pamilya.

Dagdag pa niya, gumagawa na rin sila ng paraan upang maayos pa rin nilang maitaguyod ang kanilang dalawang anak kahit pa hiwalay na silang mag-asawa.

Narito ang buong pahayag ni Kylie:

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

“All we need right now is respect—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

“Thank you for you love and support.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *