Kylie Padilla at Ruru Madrid, magbabalik-tambalan!

Masayang-masaya ngayon ang KyRu fans nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa balitang may reunion project ang dalawa dahil matagal na nila itong nire-request.

Mula pa noong maputol ang tambalan nila sa Encantadia, nagre-request na ang KyRu fans na pagsamahin muli ang dalawa. Kahit magkasama sila sa TODA One I Love, mukhang nabitin pa rin ang fans.

Nabuhayan ng loob ang mga supporter ng dalawa sa nasulat na ini-request ni Ruru sa management ng GMA na bigyan sila ng project ni Kylie. Wish granted dahil magtatambal sila sa isang episode ng Regal Studio Presents, pero sa 2022 pa ang airing.

Next week na raw papasok sa bubble ang dalawa bilang paghahanda sa lock-in taping. Kaya, natigil man ang taping ni Ruru sa Lolong, heto at balik-taping na naman siya at sa pagkakataong ito, si Kylie naman ang kaniyang makakasama.

Natuwa naman ang fans nina Ruru at Bianca Umali dahil matapos ang birthday ng aktor, nagla-like na ulit sila ng kaniy-kaniyang post. Tapos na ang dedmahan nila sa IG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *