Kuya Kim Atienza, nagpaliwanag sa kaniyang komento; nilinaw na mahirap talaga ang live show

Umani ng negatibong reaksyon ang komento ng bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa post ng aktres na si Camille Prats.

Ibinahagi kasi ni Camille sa kaniyang Facebook account ang magandang balita na napili ang kaniyang kapatid na si John Prats bilang bagong direktor ng longest running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Dito ay nagkomento ang kaniyang co-host sa Mars Pa More with Pars Kim Atienza. Saad niya, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord ‘no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Nag-viral online ang comment na ito ni Kuya Kim, kaya naman kahit binura na ng Kapuso news anchor ang kaniyang comment ay patuloy pa rin itong kumakalat online.

Kaya naman nagpaliwanag na si Kuya Kim sa Twitter upang linawin na hindi niya intensyon na mang-offend ng kahit sino sa kaniyang comment.

Sinabi niyang naiintindihan niya ang challenges ng pagdidirek ng isang live show, kaya nasabi niya iyon sa kaniyang comment.

Ayon rin kay Kuya Kim, mahal niya ang kaniyang It’s Showtime family at hindi raw siya magsasalita ng kahit anong masamang bagay tungkol sa kanila.

“I didn’t mean anything negative [with] my comment. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking [with] a skeleton crew etc. I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone,” saad niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *