Kuya Kim Atienza, may patutsada nga kaya sa ‘It’s Showtime?’

Dinumog ng netizens ang komento ng bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa isang shared post ng kaniyang co-host sa Mars Pa More with Pars Kim Atienza na si Camille Prats.

Ibinahagi kasi ni Camille sa kaniyang followers ang post ng kaniyang kapatid na si John Prats patungkol sa pagiging isa sa mga direktor nito sa longest running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Kuya ko yaaaan!!!” proud na saad ni Camille sa kaniyang post.

Nagkomento naman sa naturang post si Kuya Kim at sinabing “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Marami namang netizens ang napataas ang kilay dahil tilay may laman ang komento ng dating Kapamilya host.

“Huy sandali kuya kim!! Galing si JP sa it’s showtime parang sinasabi mo ba na sakit sa ulo ang showtime?” tanong ng isang netizen.

“Sakit ng ulo? Deritsahin muna kaya mention yan kuya kim parang my something ang lalim ng salita mo eh,” komento ng isa pa.

“Parang katulad Kadin Po Nung isang director na umalis Ng showtime kukuda na pag Wala na sa show Nila backstabber Kadin koloka! Lalaos Kadin back to you thank you,” hirit naman ng isa pang netizen.

Matatandaang napaulat noon na magiging parte si John Prats bilang bagong permanent director ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime kung saan dati ring naging co-host si Kuya Kim.

Ngunit dahil kinailangan ni John na mag-lock in taping para sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay pansamantala muna itong nagpaalam sa It’s Showtime.

Nakatakda dapat na maging opisyal na direktor ng noontime show si John ngunit dahil sa hectic na schedule at layo ng taping location ay hindi na ito natuloy.

Pero mukhang mapagbiro talaga ang tadhana dahil hindi man siya natuloy sa pagiging direktor ng It’s Showtime ay matutuloy pa rin ang kaniyang pagdidirek dahil siya ay magdidirek na rin ng sarili niya mismong teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero ano nga kaya ang ibig sabihin ni Kuya Kim sa kaniyang komento? Patutsada nga kaya ito sa dati niyang kinabibilangang show?

Bakit kaya tila marami ang mga negatibong komento tungkol sa Kapamilya noontime show? May mga isyu nga kaya talaga sila sa likod ng kamera?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *