KUMPIRMADO! ‘Prima Donnas,’ magkakaroon ng Book 2

It’s official! Magbabalik sa ere ang top-rated afternoon drama ng GMA-7 na Prima Donnas para sa panibagong season ngayong taon.

Sa isang special virtual meeting na dinaluhan ng lead stars ng Prima Donnas noong February 19, inanunsyo ng program manager nito na si Redgynn Alba ang magandang balita mula sa chairman and CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon, na naglabas ng rare commendation dahil sa matagumpay na pag-ere ng palabas.

Present sa meeting sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

Kasama rin nila sina Will Ashley, Eunice Lagusad, Benjie Paras, director Gina Alajar, at executive producer Ysai Hilario.

Sabi ni Ms. Redgynn, “Nakita ng network na successful ‘yung show, and because of that, they would like to express their thanks and gratitude.”

“It’s a note from FLG. It’s a letter of commendation.”

Matapos ianunsyo ang papuri mula sa pinaka-big boss ng GMA Network, inanunsyo naman ni Ms. Redgynn ang isa pang magandang balita sa cast.

Dagdag niya, “I would like to officially announce to everyone that we are renewed for another season in 2021!”

Panoorin ang reaksyon ng cast sa video na ito:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *