Kris Bernal, nilagay sa freezer

Matapos tayong takutin ni Kris Bernal sa afternoon drama series ng GMA-7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko na nagwakas na noong October 19, abalang-abala naman ngayon ang Kapuso actress sa kanyang business at mga endorsements.

Nakatanggap din kamakailan ang aktres ng kabi-kabilang parangal kabilang na rito ang “Most Outstanding Actress 2019” ng Gawad Amerika Foundation. Nakatanggap din si Kris ng “Most Outstanding Actress” at “Huwarang Artista ng Kabataan” awards mula naman sa 6th Inding Indie Film Festival.

Talaga nga namang kaliwa’t kanan ang dumarating na blessings para kay Kris Bernal pero bakit tila wala syang proyektong naka-lineup ngayong taon?

ALSO READ: GMA Upcoming Shows for 2020

Isa kaya sa Owe My Love o Taiwan and Only ang kanyang susunod na project?

Ayon sa interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Kris, gusto n’ya namang gumawa ng romantic comedy series matapos n’yang gumawa ng heavy drama at horror.

Sabi ng aktres, “hinihintay ko ang next project ko with GMA-7. After kasi ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na super mabigat, gusto ko naman sana ay parang romantic-comedy para medyo light at ma-experience ko ang makilig ulit.

“Nagkasunud-sunod kasi ang mga heavy drama projects ko like Impostora, Asawa Ko, Karibal Ko, and Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

“Sana, ang next, medyo pampakilig naman.”

Pagbigyan kaya si Kris Bernal sa kanyang hiling?

Nilagay sa Freezer

Naaalala n’yo pa ba ang kwento ni Joanna Demafelis?

S’ya yung OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait.

Dahil sa karumal-dumal na pagpaslang sa ating kababayan, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ipagbawal ang pagpapadala ng mga Pinoy sa Kuwait.

Itinampok noong nakaraang Sabado, January 4, ang kwento ni Joanna Demafelis sa Imbestigador kung saan gumanap bilang Joanna si Kris Bernal.

Para bigyang hustisya ang kanyang pagganap, pumayag ang aktres na ipasok s’ya sa freezer.

Isa lamang ang kwento ni Joanna sa mga nararanasan ng ating mga kababayan. Nakakalungkot na kapalit ng kanilang pangingibambayan para magtrabaho, nagiging sanhi pa ito ng kanilang kamatayan.

Kung hindi ninyo napanood ang Imbestigador noong nakaraang Sabado, narito ang Full Episode:

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *