Kris Aquino, tagilid na naman sa show ni Willie Revillame

Madamdamin ang post ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram account na nagpaiyak sa kaniyang followers at mga nagmamahal sa Aquino family.

Marami ang nagtataka kung bakit bihira nang mag-post ang Queen of All Media sa kaniyang social media accounts. May mga naghihintay rin na magkuwento na si Kris tungkol sa kanilang pamilya.

Bahagi ng caption ni Kris sa kaniyang post, “Now is still not the right time for me… naghihintay pa ko ng “go signal” from him- i know my brother will find a way to let “bunso” know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one i believe is a continuing one.”

Pinasalamatan ni Kris ang lahat ng nagparamdam na hindi sila nag-iisa at may kasama silang magkakapatid sa pagkawala ni former President Noynoy.

Samantala, tanong ng fans ni Kris na excited na sanang muli siyang mapanood sa telebisyon sa August 8 para sa special event ng isang online shopping app, matutuloy daw ba ang live telecast ng Wowowin: Tutok to Win?

Inanunsyo na ni Willie Revillame na si Kris ang special co-host niya sa live show na gaganapin bago ang All-Out Sundays.

Kaya lang, may inilabas na statement ang Film Development Council of the Philippines na suspended ang lahat ng film and AV Productions sa NCR mula sa Aug. 6-20 dahil sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Kasama sa mga ipinagbabawal ay ang film, music, at television production sa lahat ng production activites sa NCR.

Apektado nito ang tapings ng shows na ang studio o location ay nasa ilalim ng ECQ. Iyong mga location na nasa ilalim ng GCQ at MCQ ay puwedeng magpatuloy basta susunod sa strict safety precautions at babawasan ang tao sa set.

Posibleng matuloy pa rin ang guesting ni Kris sa Wowowin kung ite-tape na lang ang episode this week bago ang Aug. 6 and for airing on Aug. 8. Tapos naman na yata ang pag-aayos ng studio kung saan gagawin ang show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *