Korea Box Office: ‘Book of Fish’ at ‘Godzilla,’ gitgitan ang labanan sa box office

Parehong inaangkin ng Hollywood monster movie na “Godzilla vs. Kong” at ang Korean historical drama na “The Book of Fish” ang top spot sa Korean box office. Pero parehong hindi nito napigilan ang pagbulusok ng weekend revenues ng mga ito.

Ang “Book of Fish,” ay umiikot sa kuwento ng pagtatagpo ng isang mangingisda na nais mapaunlad ang sarili at ng isang 19th century scholar na pinag-aaralan ang kalikasan at ang biodiversity. Lumalabas na nangunguna ang pelikula sa Korean charts dahil mas marami itong naibentang ticket noong April 9 to 11. (Pinanood ito ng 54,137 manonood, kumpara sa 53,427 na nanood ng “Godzilla.”)

Ang “Book of Fish” ay idinerehe ni Lee Joon-Ik, na nasa likod ng mga blockbuster movies kabilang ang: “The King and the Clown,” “Sunny,” “The Throne,” at “Dongju: Portrait of a Poet.”

Samantala, kung mas marami ang nanood ng “The Book of Fish” kumpara sa “Godzilla,” mas malaki naman ang kinita ng Hollywood monster movie dahil bahagyang mas mahal ang presyo ng ticket ng foreign films kumpara sa lokal na pelikula.

Sa pangalawang weekend ng “Godzilla” sa Korean box office, napanatili nito ang pagiging highest grossing film sa bansa. Kumita ito ng $476,373, na nakadagdag sa kabuuang kita ng pelikula na $5,628,386 mula March 25 ayon sa datos mula sa KOBIZ tracking service ng Korean Film Council.

Ang “Book of Fish” naman ay kumita ng $454,295 noong ikalawang weekend ng Abril, at kung pagsasamahin ang kinita nito sa mula March 31 hanggang April 11, kumita na ito ng $2,017,523.

Nakaranas ng 64% na pagbaba ng kita sa ikalawang linggo ang “Godzilla” mula sa opening weekend nito, at bumulusok sa 19% ang market share, patunay lang na nahihirapan pa ring makabangon ang Korean theatrical market. Hindi nakakatulong ang mga bagong pelikula para bumalik ang mga manonood sa sinehan.

South Korean Box Office (APRIL 2021) – Week 1 – March 29 to April 4

RankMovie NameWeekly GrossWeekly Admissions
1Godzilla vs. Kong$2,018,508238,314
2The Book of Fish$1,236,570159,885
3Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba the Movie – Mugen Train$834,31799,600
4Minari$428,91155,708
5The Box$208,55832,879
6Josee, The Tiger And The Fish$126,60515,940
7The Hypnosis$111,21013,887
8Shades of the Heart$102,82213,609
9Raya and the Last Dragon$84,00010,452
10Hijra in Between$77,4189,988

South Korean Box Office (APRIL 2021) – Week 2 – April 5 to 11

RankMovie NameWeekly GrossWeekly Admissions
1The Book of Fish$755,05792,715
2Godzilla vs. Kong$784,67189,027
3Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba the Movie – Mugen Train$645,34372,912
4Nobody$568,52864,931
5Mortal Kombat$276,52229,517
6Minari$205,33024,914
7The Father$115,31914,808
8The Box$55,8208,700
9The Kindness of Strangers$43,0175,787
10Josee, The Tiger And The Fish$47,5825,651

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *