Kisses Delavin sa Daig, top trending sa Twitter!

Bumuhos ang suporta ng netizens sa unang proyekto na ginawa ng batang aktres na si Kisses Delavin sa GMA-7.

Kasama si Kisses sa month-long story ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang “Mermaid for Each Other” na nagsimula nang ipalabas kagabi, February 9.

Bida sa kwento ni Lola Goreng sina Sanya Lopez, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, at Kisses Delavin.

Nilisan ng batang aktres ang Star Magic noong November 2019 at lumipat sa Triple A Talent Management. Ang nasabing talent agency ang s’yang nagma-manage kina Maine Mendoza at sa Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.

Masaya si Kisses sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network.

Sa panayam sa kanya ni Arnold Clavio, sinabi ng batang aktres ang kanyang naramdaman sa bagong yugto ng kanyang career.

“Nag-enjoy ako kasi ‘yung mga tao dito parang masaya silang makita ako at saka masaya din ako na makita ko sila kasi ang gaan lang sa pakiramdam.

“Masaya din ako ng winelcome ng Kapuso family ‘yung mga supporters ko.”

#KISSESaDaigKayoNgLolaKo at #MermaidForEachOtherOnDaig trends on Twitter

Napakalakas talaga ni Kisses sa kanyang fans.

Sa kasalukuyan, merong 2.3 million followers ang aktres sa kanyang Instagram account. Napakarami ring gumawa ng fan page at group sa Facebook bilang pagsuporta sa kanilang idolo.

Sa unang episode pa lang ng kanyang paglabas sa hit weekly anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko, top trending kaagad ang hashtag na #KISSESaDaigKayoNgLolaKo. Trending din ang official hashtag nito na #MermaidForEachOtherOnDaig.

Kisses Delavin sa Daig, top trending sa Twitter!

Daig Kayo ng Lola Ko, isa sa ratings driver ng GMA-7

Napabalitang tatapusin na noong nakaraang taon ang Daig Kayo ng Lola Ko matapos ang sunud-sunod na pagkatalo nito sa ratings.

Pero tumaas ang ratings ng Daig nang bumalik ang paboritong lola ng bayan na si Lola Goreng na ginagampanan ng batikang aktres na si Gloria Romero.

Mula nang bumalik si Gloria Romero, tuluy-tuloy na ang pag-arangkada nito sa ratings. Buong buwan ng Enero, kung saan tampok ang tambalang Dennis Trillo at Barbie Forteza, ay consistent ang mataas na rating ng weekly anthology.

ALSO READ: 7 GMA shows pasok sa Top 10 ng NUTAM

Maging ang replay episode noong nakaraang Linggo ay mataas rin ang nakuhang rating ng palabas.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang episode na pinamagatang “Runaway Princess Bride” ng 11.7%. Bida sa nasabing episode ang Primetime Queen na si Marian Rivera at Jason Abalos.

Samantala, ang katapat nitong programa sa ABS-CBN na The Haunted ay nakakuha naman ng 6.4%.

Mas mataas ng 5.3% ang Daig Kayo ng Lola Ko kumpara sa The Haunted.

Ngayong Linggo, inaasahang mataas rin ang makukuhang rating ng “Mermaid for Each Other” dahil na rin sa unang proyekto ito ni Kisses sa GMA-7.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

One thought on “Kisses Delavin sa Daig, top trending sa Twitter!

  • February 10, 2020 at 8:38 am
    Permalink

    Luv it gogogo kisses we will sopport you kht aong proyekto pa yn ….Tnx GMA TRIPLE A slmt smlt .

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *