Kisses Delavin, ipinasilip ang kaniyang ‘beautiful life updates’ sa pagsali sa Miss Universe Philippines

Habang naghahanda sa pagsabak sa pageant, ibinahagi ni Kapuso actress Kisses Delavin ang ilan sa kaniyang amazing life updates na may positibong pananaw.

Ibinahagi ng aktres ang ilang snippet ng ilang updates sa kaniyang paghahanda sa Miss Universe Philippines 2021 sa Instagram kahapon, July 21.

Ipinost ni Kisses ang isang video kung saan makikita siyang naglalakad gracefully na slow-mo pa ang pag-ikot. Litaw na litaw ang kaniyang ganda sa suot niyang pink dress at sa suot niyang dark blue gown.

Sa parehong post ay makikita rin ang black and white photo na nakasuot siya ng magandang evening gown with Philippines sash.

Caption ng 22-year-old Kapuso star sa kaniyang post, “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines! 😍💖 2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie 🥰”

Bumuhos naman ang suporta at pagmamahal sa kaniya ng fans at mga kaibigan, kaya naman labis ang pasasalamat ng aktres.

“Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines! 👑💖💖💖”

Ipinakita rin ni Kapuso actress Kim Rodriguez ang kaniyang suporta kay Kisses at nag-iwan ng limang heart-eyed emojis.

Dinumog rin si Kisses ng mga congratulatory message mula sa kaniyang fans.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit 220,000 likes ang beautiful life updates ni Kisses sa Instagram.

Bago pa man ang kaniyang pinakabagong milestone, nakoronahan na ang Masbate-born beauty sa Miss Teen Masbate noong 2013 at Miss Kaogma noong 2016.

Kabilang si Kisses sa Top 100 candidates na makikipag-agawan ng korona sa nalalapit na Miss Universe Philippines 2021.

Maliban sa Kapuso star, kasali rin sa listahan ang Asia’s Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz na sasali sa prestihiyosong beauty pageant.

Sa Setyembre nakatakda ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *