Kim Atienza, tuloy na raw ang paglipat sa GMA; may bonggang anunsyo sa ‘TV Patrol’

Iisa ang hula ng netizens tungkol sa isang “Kuya” na magiging Kapuso na very soon.

May ipinost kasi ang GMA-7 sa kanilang social media accounts tungkol sa isang kilalang celebrity na magiging certified Kapuso na rin tulad nina Bea Alonzo, Xian Lim, Richard Yap, Pokwang, at Beauty Gonzalez.

Isang blurred na litrato ng lalaking may suot na sumbrero at may pa-finger heart sign (ala-Korean oppa) ang makikita sa nasabing post na may nakasulat na, “Paparating na si Kuya, mga Kapuso! Abangan!”

Kung sisipating maigi ang litrato, makikilalang si Kim Atienza ito na matagal na ngang napapabalita na aalis na rin sa ABS-CBN para mag-ober da bakod sa ibang network.

Kasunod nito, may kumalat namang video sa social media kung saan makikita ang isang taong sakay ng motorsiklo na naka-leather jacket, denim jeans at boots na pinaniniwalaang si Kuya Kim.

Dumiretso raw si Kuya Kim sa GMA Network Complex sa Timong Avenue, Quezon City para kunan ang Opening Break Bumper o OBB ng bago niyang programa sa Kapuso Network.

Tila may paramdam na rin ang TV host tungkol dito nang mag-Facebook Live siya kagabi.

Aniya, “Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na sa Facebook, kasi may mga kumalat na post tungkol sa mga gagawin ko daw sa mga susunod na araw, mga desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw.

“For those who follow me here on Facebook and YouTube, Kuwentuhan with Kuya Kim, remember, a couple of weeks ago, I was… I told you to pray for be because I am in transition. Remember that?

“I will always be very truthful to you, my Facebook and YouTube followers, utang na loob ko sa inyo for following me and for being with me through hard times and good times.

“And that period of transition is still ongoing. Transition. What does transition mean? Transition is moving from Point A to Point B. This is what I can say — the transition is real.”

Sunod naman ay inanyayahan niya ang kaniyang mga taga-subaybay na panoorin siya ngayong Biyernes, October 1, sa TV Patrol.

Patuloy pa ng dating It’s Showtime host, “I cannot tell you any specifics, any specifics as to what transition, to where, and the details. But I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be very historical day for me on TV Patrol on Friday.

“Watch TV Patrol on Friday, and watch my segment on TV Patrol on Friday, and I’ll be truthful. I’ll tell you what’s going to happen.

“But, you know, because when you follow me here on Facebook and YouTube, that Kuya Kim has been in transition, and has been praying for transition, peaceful transition and peaceful seamless transition.

“You know, I’ve been gifted by the Lord with signs whenever I pray for signs, whenever I have to make a big decision.

“I pray for signs, and the signs have been so clear whenever it’s His will. Whenever it’s His will, the signs are so clear in the decision I make,” dagdag pa ni Kuya Kim.

One thought on “Kim Atienza, tuloy na raw ang paglipat sa GMA; may bonggang anunsyo sa ‘TV Patrol’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *