Kim Atienza, inulan ng batikos sa paglipat sa Siete

Tatlo ang magiging shows ni Kim Atienza sa GMA-7 at ngayon ngang Lunes ay lalabas na siya sa 24 Oras. Ibinalita ito mismo ni Kuya Kim kay Nestor Cuartero na kaniyang nakausap sa telepono.

Ibinalita rin ni Kuya Kim na papasok siya sa Mars Pa More at makakasama niya sina Camille Prats at Iya Villania. Hindi lang nabanggit kung kailan siya papasok sa morning show nina Camille at Iya. Baka kasama si Kuya Kim sa Mars Pa More kapag nag-guest na rin ang dati ring Kapamilya na si Bea Alonzo.

Bukod sa 24 Oras at Mars Pa More, may daily show pa raw si Kuya Kim na pre-programming ng 24 Oras.

May mga nag-react pala sa bahagi ng pahayag ni Kim na “The window of opportunity that GMA-7 gave me is just so beautiful, it’s so good, that I have to take it.

“I have so much talent to give. Ang GMA-7 is giving me that opportunity to be able to make one talent left to ten talents.

“My company, ABS-CBN, is going through so much. And to demand from them to give me that opportunity to be able to express myself will be so selfish.”

Comment naman ng Kapamilya fans, may work pa raw sa ABS-CBN si Kuya Kim, bakit kailangan niyang umalis?

Kahit ano pa raw ang paliwanag ni Kuya Kim, hindi nila paniniwalaan at sinabihan pa itong ‘wag nang babalik sa Kapamilya network kapag nabigyan na ang network ng franchise.

Isa pa sa bumatikos sa paglundag ni Kim Atienza sa GMA-7 ang beteranang showbiz news reporter na si Cristy Fermin.

“Kung lilipat na siya sa GMA, paano na ‘yung binitawan niya noon na hanggang sa huli niyang hininga [ay] mananatili siya sa ABS-CBN?” tanong ni Cristy.

“Yang mga pagsasalita ng mga pangako na malalim na mga ganyan, ‘yung sinasabi ni Kuya Kim noon up to his last breath na hi siya aalis sa ABS-CBN.

“Paano mo haharangin, paano mo ipapaliwanag ang punto mo ngayong papalipat ka na pala, samantalang nangako ka noon noong kasagsagan ng inyong ideolohiya tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN na hindi ka aalis, hindi ka lilipat hanggang sa huling hininga mo. Kaya kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita,” dagdag pa niya.

Tanggap naman na raw ni Kuya Kim na bubuhos ng batikos sa kaniyang naging desisyon.

At tulad nga ng sikat na sikat na linya ng mga dating empleyado at artista ng ABS-CBN, “Once a Kapamilya, always a Kapamilya.”

Siguro nga ay kinakailangan lang talaga ni Kuya Kim na lumipat at wala namang kaso ito dahil mukha namang naging maayos ang kaniyang pamamaalam sa big bosses ng ABS-CBN. Nabigyan pa siya ng pagkakataon na makapagpaalam sa mga sumubaybay sa kaniya sa TV Patrol bilang weather news anchor at Trivia man.

One thought on “Kim Atienza, inulan ng batikos sa paglipat sa Siete

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *