Kelvin Miranda, excited na sa first lead role sa ‘Magpakailanman’

Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida si Loving Miss Bridgette lead actor Kelvin Miranda sa isang fresh at brand new episode ng Magpakailanman.

Marami na raw nagampanang supporting roles si Kelvin para sa real-life drama anthology kaya naman lubos niyang ikinagagalak na makuha na niya ang first lead role niya para sa serye.

“Grabe! Through the years, napakaraming supporting roles ko nang ginampanan dito sa ‘Magpakailanman.’

“Pero this time, super excited akong ibalita sa inyo dahil gusto ko kayong anyayahan panoorin ang kaunaunahang pagbibidahan ko dito sa ‘#MPK’,” lahad ng aktor.

Sa episode na ito, gaganap si Kelvin bilang Kim, isang binatang matalino pero pilyo at pasaway.

Gayunpaman, pangarap niyang makatungtong at makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Kung anu-anong trabaho ang papasukin ni Kim pagkatapos niyang grumadweyt ng high school para makatulong sa kaniyang pamilya.

Pero dahil dahil sa patuloy na kakapusan, mapipilitan siyang magnakaw ng manok—bagay na siya namang magdudulot ng disgrasya kay Kim.

Dahil dito, magdedesisyon siyang pumasok ng kolehiyo.

Magtagumpay kaya si Kim na makatapos ng kolehiyo at mabigyan ng mas maayos na buhay ang kaniyang pamilya?

Huwag palampasin ang first lead role ni Kelvin para sa #MPK sa brand new episode na pinamagatang “Pasaway na Iskolar,” ngayong Sabado, September 11, 7:15 pm sa GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *