Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez, nag-umpisa na sa ‘Loving Miss Bridgette’

Nagsimula nang mag-taping si The Lost Recipe star Kelvin Miranda at ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez para sa upcoming mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Ang Stories from the Heart ay isang anthology ng mga kakaibang love stories na nagpapakita kung paano nakakaapekto ang social media sa relasyon ng mga magkasintahan at mga tao sa paligid nila.

Sa Loving Miss Bridgette, gaganap si Beauty bilang konserbatibo at recently annulled guidance counselor na si Bridgette.

Si Kelvin naman ay si Marcus, isang may pagka-maloko na pre-med student na makikilala ni Bridgette habang nagbabakasyon.

Sa kabila ng agwat sa kanilang edad at maging estado sa buhay, magkakaroon ng isang secret love affair ang dalawa.

Abangan ang intriguing at shocking love story nila sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, soon on GMA!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *