Kaso laban kay Enchong Dee, umusad na

Magiging malungkot ang pagpasok ng 2022 para sa Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil umakyat na sa korte ang kasong Cyber Libel na isinampa ng DUMPER Partylist Representative na si Claudine Bautista-Lim laban sa kaniya.

Meron pa raw dalawang nakasuhan, pero na-dismiss na daw ito. Ang kay Enchong lang daw ang umusad, kaya pinipigilan daw muna magsalita ang aktor.

Pinagbabawalan na raw ang aktor na magpa-interview tungkol sa kasong isinampa laban sa kaniya.

Naging kontrobersyal si Enchong dahil sa kaniyang tweet tungkol kay Bautista-Lim.

Saad ni Enchong sa kaniyang tweet, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

Dahil may mga nakapagsabing libelous ang tinuran ng aktor, binura niya rin ang kaniyang tweet at naglabas ng pahayag noong August 17.

Pahayag niya, “I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment.

“With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist. I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause.”

Nito lang November 11, pormal nang sinampahan ni Bautista-Lim ng kaso sa Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental, at sinabing ang tweet ng aktor ay “defamatory” at “malicious,” kung saan tila inilalarawang corrupt ang public official.

Sinabi rin ng kongresista na ang implikasyon ng pahayag ng aktor na ginamit umano niya ang public funds para sa kaniyang kasal ay nagbunga umano ng “detriment and injury to my honor and name.”

Bagamat humingi na ng paumanhin si Enchong, sinabi naman ni Rep. Claudine na sa tingin niya ay hindi sincere ang apology ng aktor.

“He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him,” aniya.

Samantala, may statement naman si Atty. Ferdinand Topacio na imbes daw na makatulong sa aktor ang ginawa niyang apology ay lalo pa nitong idiniin ang sarili.

Paliwanag ni Atty. Topacio, “Meron po ‘yung tinatawag sa batas na admission against interest.

“Ibig sabihin, gumawa ka ng isang salaysay na makapapahamak sa iyo. Ang tingin ng batas niyan ay ‘yung talaga ang totoo sapagkat kung ‘yan ay hindi totoo at ‘yan ay laban sa’yo, hindi mo gagawin because it is admission against your interest.

“So, lalo pong nabaon sa hukay si Mr. Enchong Dee diya sa kaniyang apology na ‘yan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *