Kapuso prized star, pipirma ng kontrata sa ABS-CBN?

May nasagap kaming balita na magkakaroon daw ng contract-signing sa Kapamilya Channel ang isang big star ng Kapuso Network.

Naging usap-usapan ang big star na ito dahil hindi pa siya nagre-renew ng kontrata sa kaniyang home network.

Mahirap pang kumpirmahin ang balitang ito dahil sa pagkakaalam namin ay ayaw siyang bitawan ng GMA-7.

Pero ngayong umuugong na naman ang balitang ito, baka nga hindi nagkasundo ang dalawang kampo at itinuloy ang paglipat sa Kapamilya Channel.

Sinu-sino nga ba ang mga Kapuso star na expired na ang kontrata sa GMA-7?

Abangan na lang natin pagbalik niya rito mula sa ilang linggong bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *