Kapuso na: Xian Lim, susugalan ng GMA-7

Opisyal na ang pagiging Kapuso ni Xian Lim ngayong magkasabay na inanunsyo ito ng GMA-7 at ng kaniyang mga manager.

Marami pa rin ang hindi makapaniwala na gagawa si Xian ng isang serye at makakatambal pa ang isa sa prized talent ng Kapuso Network na si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Hindi rin makapaniwala ang iba na gagawa si Xian ng project sa GMA na walang pinipirmahang kontrata, lalo pa’t isang malaking sugal ang magpasikat ng isang artista.

Kung baga, ibabangon nila ang showbiz career ni Xian dahil mula nang umalis siya sa Star Magic ng ABS-CBN, wala na siyang nagawang serye at kung may mga pelikula man siyang indie na ginawa, hindi naman naging malaking hit.

Aminin man nila o hindi, medyo mababa na ang popularidad ngayon ng TV host/actor/director.

May isa pang factor, malakas si Xian kung ang ka-partner niya ay ang real-life girlfriend niyang si Kim Chiu, na hindi naman mangyayari dahil si Kim Chiu ay nananatili pa sa ABS-CBN.

Tiyak na sugal ito para sa GMA. Papaano kung mag-click ang Love. Die. Repeat. at bumalik ang dating kasikatan ni Xian? Papayag ba silang iwan sila ng aktor na pasisikatin uli nila?

Samantala, inihayag ni Xian ang kaniyang pasasalamat at excitement sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career at sa una niyang proyekto sa Kapuso Network.

“I feel very happy and excited na nandito ako, you interviewing me, I’m really grateful sa lahat ng nangyayari,” pahayag ng aktor.

Labis daw na nagustuhan ni Xian ang konsepto ng kanilang series lalo nang mabasa niya ang buong script.

“Kakaiba ‘yung kuwento. I would say na this would be the first attempt for this genre to be in a teleserye.

“In terms of my character, it is also, para sa viewers natin, para sa mga Kapuso natin. And of course to all the fans and supporters watching.

“I would say it’s something different na maibibigay ko sa table this time around,” pahayag ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *