Kapamilya Channel’s ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ almost made it to the Top 30; GMA and GTV shows continue to dominate Top 10

Muntikan nang makapasok sa Top 30 TV Programs ang FPJ’s Ang Probinsyano ng Kapamilya Channel kahit na kakaunti lamang ang handang magpakabit ng cable at magbayad ng monthly subscriptions.

Halos ka-tie ng Frontline Pilipinas ng TV5 ang Kapamilya action drama series na nakapagtala ng 1.8% kapag ni-round off.

Sa Top 31 Programs (Through Single Channels) ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, 15 programs ang mula sa GMA-7, 9 sa TV5, 4 sa GTV, 2 sa A2Z, at 1 sa Kapamilya Channel.

Noong nakaraang Biyernes, September 17, nangunguna pa rin sa pinakapinapanood na programa ang flagship news program ng GMA-7 na 24 Oras. Nakapagtala ito ng 14.6%.

Sinundan ito ng Legal Wives na naka-13.1%, ang rerun ng Endless Love na naka-10.3%, at ang rerun ng The Good Daughter na naka-6.8%.

Nasa ika-limang puwesto naman ang K-Drama na The Penthouse Season 2 na naka-6.5%.

Sinundan naman ito ng Kapuso afternoon series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette na naka-6.4%.

Top 7 naman ang pre-primetime Kapuso variety show na Wowowin na naka-5.7% na sinundan ng Nagbabagang Luha na naka-5.6%.

Ang programa naman ng GTV na G! Flicks ay nakapasok rin sa Top 10. Naka-5.5% ang pelikulang Aquaman na ipinalabas sa movie block ng GTV.

Hindi naman pahuhuli ang Kapuso noontime show na Eat Bulaga! na nasa ika-10 na puwesto. Nakapagtala ito ng 5.1%, laban sa Lunch Out Loud ng TV5 na naka-2.0%. Wala naman sa Top 30 ang noontime show na It’s Showtime na ipinapalabas sa A2Z Channel 11 at Kapamilya Channel.

Samantala, ang FPJ’s Ang Probinsyano naman ay nasa ika-11 (TV5), ika-12 (A2Z), at ika-31 (Kapamilya Channel) na puwesto.

Ang Huwag Kang Mangamba naman ay nasa ika-18 (TV5) at ika-22 (A2) na puwesto.

Ang bagong Kapamilya primetime series naman na Marry Me, Marry You ay nasa ika-27 na puwesto.

Wala rin sa Top 30 ang La Vida Lena na ipinapalabas sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

TOP PROGRAMS THROUGH SINGLE CHANNELS

Program NameChannelRating (%)
124 OrasGMA14.6
2Legal WivesGMA13.1
3Endless LoveGMA10.3
4The Good DaughterGMA6.8
5The Penthouse Season 2GMA6.5
6Loving Miss BridgetteGMA6.4
7WowowinGMA5.7
8Nagbabagang LuhaGMA5.6
9G! Flicks: “Aquaman”GTV5.5
10Eat Bulaga!GMA5.1
11FPJ’s Ang ProbinsyanoTV54.7
12FPJ’s Ang ProbinsyanoA2Z3.8
13Oh My BabyGMA3.5
14Bubble GangGMA3.4
15Eat Well. Live Well. Stay Well.GMA3.2
16 – 18Kapuso Movie Festival: “Mulan”GMA3.1
24 OrasGTV3.1
Huwag Kang MangambaTV53.1
19Biyahe ni DrewGTV2.6
202021 PBA Philippine Cup:
“Barangay Ginebra San Miguel Vs. Alaska Aces”
TV52.5
2144 CatsTV52.4
22Huwag Kang MangambaA2Z2.3
23 – 24Winx ClubTV52.2
Siesta Fiesta Movies: “Joe’s Apartment”GTV2.2
25God of Lost FantasyGMA2.1
26 – 28Mars Pa MoreGMA2.0
Marry Me, Marry YouTV52.0
Lunch Out LoudTV52.0
29The Marvelous Misadventures of FlapjackTV51.9
30 – 31Frontline PilipinasTV51.8
FPJ’s Ang ProbinsyanoKapamilya Channel1.8

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *