Kahit may pandemya? Aktor, nagtaas sa 600K per day ang talent fee!

Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 virus. Dagdag pa riyan ang mga nawalan ng trabaho sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV.

Kaya naman mahirap sikmurahin na sa kabila ng hirap ng ating mga kababayan sa industriya at maging sa pangkalahatan, may iilan na nagtataas pa ng singil para sa kanilang serbisyo. Maiintindihan mo pa kung magdagdag siya ng kaunti para sa kaniyang kaligtasan, pero kung sobra sobra ay talaga namang nakakainit ng ulo.

Ayon sa aming source, isang aktor umano ang nagtaas ng kaniyang talent fee. Ang kaniyang hinihingi ay P600 thousand per taping day.

Nakakalungkot ito dahil kung ‘yung isang TV network nga ay nag-retrench at binawasan sa kalahati ang suweldo, itong sikat na aktor naman ay nagtaas pa ng kaniyang TF.

Mas nakalulungkot pa nang malaman naming hindi lang isang aktor ang nagtaas ng talent fee, dahil dumarami na raw sila.

Siguro, kaya sila nagtataas ay nang malaman nila na tumaas ang revenue ng isang TV network noong nakaraang taon kaya iniisip nila na may karapatan din silang magtaas ng talent fee.

Ito rin kaya ang dahilan ng isang artista na kahit hindi naman nawawalan ng show ay piniling sa iba na lang magtrabaho?

Natural ay mas pipiliin ng network na pakawalan ang artista para ipampasuweldo sa mga empleyado nito.

Sa ngayon kasi, kahit nakahinto sa produksyon ang ilang programa sa telebisyon, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapasahod ng network sa mga empleyado nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *