Judy Ann Santos, sinagot ang isyung paglipat sa ibang TV Network

Kumakalat ang mga bali-balitang lilipat na sa GMA Network ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Ms. Judy Ann Santos-Agoncillo.

Sa pagtatapos kasi ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na Starla, kasabay rin na matatapos ang kanyang kontrata.

Nagbigay ng pahayag ang aktres nang matanong siya sa Finale Press Conference ng Starla noong Lunes, January 6.

Ayon sa aktres, “Ewan ko ba, parang ganu’n nga yata siguro ‘yun pagka… baka nagkakataon lang na everytime na may matatapos akong soap, mage-end na rin ‘yung contract and everything, so everybody is assuming na baka lilipat ng station.

“Pero sa tinagal-tagal ko naman sa ABS-CBN, though hindi ko itatago, may mga moment naman nun’g kabataan ko, naiisip mo ‘yun, ‘di ba? Pagka may tampo ka, pag halimbawang mayroon kayong miscommunication or misunderstanding ng mother network, you always think of something big to do. ‘Yung ‘ayoko na.’

“Pero you’ll always go back, you always go back to where you began, where you started, and napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay. Kaya nga we are called Kapamilya,” pahayag ni Juday.

Nasasabi naman daw ng aktres ang mga gusto nyang sabihin sa mga executives ng ABS-CBN tuwing may mga problema at naaayos naman daw ang mga ito.

Dagdag pa ng aktres na siya na lang daw yata ang hindi umaalis sa bakuran ng ABS-CBN kaya hindi maiwasang mag-isip ang mga tao na lilipat siya.

“Parang hinihintay na lang yata nilang ‘baka this time’,” pahabol na biro ni Juday.

Pagkatapos ng Starla, magfo-focus muna sa paggawa ng pelikula si Juday dahil may dalawang pelikula raw siyang naka-lineup na gawin ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *