Judy Ann Santos lilipat na sa GMA?

Gaano nga kaya katotoo ang balitang babalik ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann sa GMA?

Nagsimula ang karera ni Juday sa GMA sa pamamagitan ng soap opera na Kaming Mga Ulila noong 1986.

Mas namulaklak ang kanyang karera sa ABS-CBN nang magbida sya sa teleseryeng Mara Clara na tumagal ng halos limang taon.

Marami na syang nagawang teleserye at pelikula sa loob ng ilang dekada.

Maliban sa ABS-CBN ay naging bahagi rin si Juday ng ilang programa at pelikula ng GMA. Kabilang sa mga ito ay ang That’s Entertainment, GMA Telecine Specials, May Himala, at ilang Lenten Special ng Kapuso Network.

Judy Ann Santos starred in Ouija of GMA Films

Unang pumutok ang bali-balitang lilipat ng GMA Network ang premyadong Kapamilya actress noong gawin nya ang pelikulang Ouija ng GMA Films.

Photo Credit: GMA Films, VIVA Films

Noong 2008 naman ay ginawa ni Juday ang Ploning at GMA ang nag-promote ng pelikula.

Judy Ann considered transferring to GMA Network

Ang pinaka-latest na balitang lilipat si Judy Ann sa GMA ay noong 2013. Ito ay matapos biglang mawala sa ere ang kanyang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Naka-planong tatakbo ito ng 13 weeks pero pinutol ito sa ika-sampung linggo nito sa ere.

Nasa ikalawang Primetime slot noon ang Huwag Ka Lang Mawawala, kaya ikinagulat ng aktres nang ilipat ito sa ikatlong slot.

Sabi ng aktres sa interview sa kanya ng PEP, “Parang hindi naman ito yung napag-usapan, pero nirerespeto ko na things change and you can’t really do anything about it.

“Parang sabi ko, ‘Ah, ganong oras, may gising pa naman niyan for sure.’

“Hanggang sa ililipat na ako sa alas-diyes, doon na yung parang ang dating sa akin, ‘Bakit hindi niyo na lang tapusin?’

“Kasi sino pang manonood ng… hinihingan niyo ako ng ratings, anong ratings ang maibibigay ko sa alas-diyes ng gabi? Yun naman yung pinanggagalingan ko.”

Matagal-tagal ring nagpahinga si Juday sa paggawa ng teleserye matapos nyang gawin ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Naging host si Juday ng Pinoy version ng Bet on Your Baby mula 2013 hanggang 2017.

Ngayong taon, nagbalik si Judy Ann sa primetime bilang kontrabida sa Starla.

Possibilities on transferring to GMA-7

Bagamat ilang buwan pa lamang sa ere ang Starla, bali-balitang tatapusin na ito kaagad, kahit pa mataas ang nakukuha nitong ratings at minsan nga ay nahihigitan pa nito ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Matagal-tagal na rin ang huling 2-year exclusive contract na pinirmahan ni Judy Ann sa ABS-CBN. Huling pumirma si Juday noong September 11, 2013. Nangangahulugan ito na ilang taon na ring freelance artist si Juday pero pinili nyang manatili sa ABS-CBN na naging tahanan nya sa loob ng ilang dekada.

Sa susunod na taon, nanganganib namang mapawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil hinaharang ito ni President Duterte.

Kaya ang tanong, magiging Kapuso na nga ba si Judy Ann ngayong 2020?


Stay tuned Boredmates! Like our Facebook page to keep updated with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our future videos.

One thought on “Judy Ann Santos lilipat na sa GMA?

  • December 25, 2019 at 2:56 pm
    Permalink

    Judy Anne started as achild star in “Kaming mga Ulila” in 1986 under GMA. She did not start in ABS CBN.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *