Johnny Manahan, Kapuso na!

Anim na buwan mula nang sinabi niyang “puwedeng mangyari” ang posibilidad na magtrabaho siya sa GMA-7, isa nang certified Kapuso ang kilalang star builder, producer at director na si Johnny Manahan, na tinatawag sa industriya bilang Mr. M.

Naganap ang virtual contract signing ngayong araw, July 13, kasama si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., at Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.

Kasama rin sa virtual contract signing sina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at Assistant Vice President, Head for Talent Imaging and Marketing Unit of GMA Artist Center Simoun Ferrer, GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, at Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier-Cruz.

Lingid sa kaalaman ng marami, nagsimula ang journey ni Mr. M sa showbiz bilang isang singer sa programa ni Uncle Bob sa GMA noong 1970s.

Co-founder si Mr. M ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na itinatag nila ng dating ABS-CBN executive na si Freddie M. Garcia noong 1992.

Pinamunuan ni Mr. M ang Star Magic hanggang sa siya ay magretiro noong 2007, pero nanatili siyang consultant at chairman emeritus ng talent management.

Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, maraming na-produce at nahulma ang ABS-CBN na malalaking artista. Kabilang dito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Claudine Barretto, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Enrique Gil, at marami pang iba.

Noong nakaraang taon, tuluyan nang iniwan ni Mr. M ang Star Magic at ABS-CBN.

Matapos niyang iwan ang ABS-CBN, nakumbinsi siyang gawin ang Sunday musical variety show na Sunday Noontime Live (SNL) na prinodyus ng Brightlight Productions para sa TV5.

Blocktimer sa Kapatid Network ang Brightlight Productions na pagmamay-ari ng negosyanteng si Albee Benitez.

Bitbit ni Mr. M ang kaniyang mga alagang sina Piolo Pascual at Maja Salvador, na parehong wala nang kontrata sa Star Magic. Hindi niya naisama ang KathNiel at LizQuen loveteams dahil sa 2022 pa mag-eexpire ang kontrata nila sa Kapamilya Network.

Si Mr. M ang nagsilbing creative consultant at direktor ng SNL na nagsimulang umere noong October 18, 2020 at natapos noong January 17, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *