John Lloyd Cruz to GMA executive: “Kami pupunta sa inyo”

Hindi napigilan ni John Lloyd Cruz na maging emosyonal sa kaniyang kauna-unahang TV appearance matapos ang halos apat na taong indefinite leave sa showbiz.

Nito lamang Mayo, lumikha ng ingay muli si John Lloyd nang mapabalitang pumirma siya ng kontrata sa talent agency ng aktres na si Maja Salvador, ang Crown Artist Management.

Kaya di na nakakagulat na kasami ni John Lloyd ang aktres/manager sa kaniyang unang pagsabak muli sa telebisyon.

Photo Credit: Sam Versoza

Ano naman kaya ang nararamdaman ng aktor sa kaniyang pagbabalik? Tinanong ito ni Wowowin host Willie Revillame sa kaniya. “Welcome back, handa ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?”

“Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako, excited to be back… Si Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you, thank you…” ang sagot ni John Lloyd na puno ng emosyon.

Naiintindihan naman ni Willie ang pakiramdam ng aktor dahil aniya, pinagdaanan din niya ang mga ito. Kaya naman naging madamdamin din ang naging tugon ng Kapuso host.

“Pinagdaanan ko rin ‘yan, maraming ring taong tumulong sa akin pero ang importante Lloydie, nakausap kita, nagkausap tayong dalawa.

“Napakaganda ng puso mo. Napakaganda ng pagkatao mo. Mahal na mahal mo si Elias, Mahal na mahal mo ‘yung anak mo. Nami-miss ka namin lahat!”

Dagdag pa ni Willie, “ang galing mo, fan mo ko, fan mo kaming lahat. Dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang lahat ng GMA artists gusto kang makasama sa isang pelikula.

“Lloydie, ‘yung sumuporta sa ‘yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa ‘yo ng tao, Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula, at alam ko dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz!”

Samantala, bukas naman si John Lloyd sa posibilidad na gumawa ng mga proyekto sa Kapuso Network.

Matatandaang naging instrumento ang Kapuso host sa pagbabalik ng aktor sa showbiz pagkatapos mag-usap ng dalawa sa Puerto Galera. Inilahad din ni Willie na isa sa mga dapat pasalamatan pa ng aktor ay si GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes.

“Ba’t wala ka dito ma’am?” ang pabirong sambit ni John Lloyd.

“Hindi, d’yan ka lang. Kung pwede, kami ang pupunta sa ‘yo. Pahinga ka muna, pahinga ka at magkikita rin tayo,” ang seryosong sabi ng aktor.

Nito lamang Biyernes (June 4) kasi, nagpost ang GMA executive sa kanyang Facebook account kung saan idinitalye niya ang pingdaanang health crisis sa pagtatapos ng Mayo.

One thought on “John Lloyd Cruz to GMA executive: “Kami pupunta sa inyo”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *