John Lloyd Cruz, mananatiling Kapamilya?

Balik-Kapamilya nga kaya ang aktor na si Johnn Lloyd Cruz?

Nagkalat kasi kahapon sa social media ang isang photo kung saan makikitang magkasama ang aktor at si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Kasama rin sa nasabing photo ang isa sa tumatayong manager ng aktor na si Ms. Marilen Roa Nuñez ng Crown Artist Management (CAM) ng kaniyang anak na si Rambo Nuñez at Maja Salvador.

May 2021 nang unang mapabalita na magbabalik showbiz na si John Lloyd sa GMA-7 matapos kumalat sa social media ang meeting nila ni Wowowin host Willie Revillame kasama si Direk Bobot Mortiz.

Sa parehong buwan ay sinabi ni Willie na nakausap na raw niya si Katigbak at pumayag ang huli na ipaubaya na ang showbiz career ni John Lloyd sa kaniya.

“Pinayagan na si John Lloyd ni Sir Carlo na magtrabaho sa production ko dahil magpapartner kami sa isang project with the help of Miss Annette Gozon-Valdes.

“Kinausap ko si Sir Carlo para ipagpaalam si John Lloyd at napakabait niya. Pinayagan niya si John Lloyd sa pinaplano namin na sitcom, kasama si Andrea Torres.

Samantala, sa panayam ng The Philippine Star kay Annette Gozon-Valdes noong June 1, tinanong siya kung may plano ba ang GMA-7 na papirmahin ng exclusive contract ang aktor.

Sagot niya, “Let’s see. Siyempre, after so long na ABS siya and Kapamilya siya, now he’s going to appear on GMA, I think he’s also taking things slow.

“Iyong hindi naman biglaan. But we want to make him feel very welcome with us and comfortable enough to consider that in the future.”

Kaya naman laking gulat ng netizens kung bakit nakipag-meeting si John Lloyd sa dati niyang boss.

May mga nagsasabing baka raw nagbago ang desisyon ng aktor dahil isa siyang true blooded Kapamilya bago niya nabuntis si Ellen Adarna at nag-hiatus sa showbiz.

Ang iba naman ay nagsasabing baka naman nagpaalam lang formally si John Lloyd sa ABS-CBN boss na pipirma na siya ng kontrata sa GMA-7.

Baka mas naging considerate ang aktor sa mararamdaman ng mga taong nagbigay sa kaniya ng big break sa career niya, dahilan para makilala ang isang John Lloyd Cruz.

Maalala kasing tumanggap ng sari-saring negative reactions ang ginawang pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network dahil nang pipirma na siya ay saka siya nagsabi na nagpaalam siya kay Mr. Katigbak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *