John Lloyd Cruz, kumpirmadong tuloy pa rin sa GMA

Nilinaw ng ilang taga-GMA na tuloy pa rin daw si John Lloyd Cruz sa Kapuso Network.

Kamakailan kasi ay napaulat na malabo na raw matuloy ang sitcom ni John Lloyd sa GMA dahil sa problema umano sa budget.

Kinumpirma naman ni Joe Barrameda kay Gorgy Rula ng Pang Masa na okay na raw ang sitcom ni John Lloyd.

Nagkaayos na raw sa budget, pero hindi lang idinetalye kung ano ang napagkasunduan, kung ang talent fee ba ni John Lloyd o ang production cost.

Ang pagkakaalam lang daw ni Joe ay si direk Bobot Mortiz ang magla-line produce ng upcoming sitcom.

Hindi pa rin daw napa-finalize kung si Andrea Torres na ba talaga ang makakasama ni John Lloyd sa upcoming sitcom ng Kapuso Network.

Basta tuloy raw ito, dahil gusto naman talaga ng GMA-7 na makatrabaho si John Lloyd at so far, itong sitcom pa lang daw ang pinag-uusapan.

Pagdating naman daw sa network contract, pinag-aaralan pa raw ng management ni John Lloyd kung magpapa-exclusive ito sa GMA Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *