John Lloyd Cruz, bibida sa 2 Kapuso shows!

Mukhang tuloy na tuloy na nga at wala nang makapipigil pa sa pagiging Kapuso ng dating Kapamilya star na si John Lloyd Cruz.

Makalipas ang mahigit isang linggo mula nang mag-guest sa special event ng isang e-shopping platform na ipinalabas sa GMA-7, nagkita at nagkausap muli nang personal ang aktor at si GMA Pictures president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.

Nangyari ang meeting ng dalawa gabi ng June 14 kung saan pinaniniwalaang napag-usapan ang mga gagawing proyekto ni Lloydie sa Kapuso network sa mga susunod na buwan.

Matatandaang una nang nagkausap sina John Lloyd at Annette bago pa muling nagpakita sa publiko ang aktor kasama si Willie Revillame.

At isa nga ang GMA executive sa mga naging daan sa pagbabalik-telebisyon ng award-winning actor at box-office king.

May ispesyal na mensahe pa nga si Lloydie kay Annette sa TV special ni Willie.

“Bakit wala ka dito, Ma’am? Hindi, d’yan ka lang. Kung puwede, kami ang pupunta sa ‘yo. Pahinga ka muna. Pahinga ka at magkikita rin tayo,” wiika ng aktor.

At nangyari na nga ang kanilang pagkikita. Nag-post pa ang Kapuso executive sa Instagram ng litrato nila ni John Lloyd na may caption na, “At last nagkita na kami. Exciting times ahead! Abangan!”

Sa IG Story naman ni Annette, makikita si Direk Bobot na kasama si John Lloyd sa pakikipag-meeting sa GMA executive.

Ayon naman sa ulat ni Audrey Carampel sa 24 Oras, pinag-usapan nina John Lloyd at Annette ang dalawang proyektong gagawin ng aktor sa Kapuso network, at isa na nga rito ang pinaplanong sitcom ni Willie.

Nauna nang i-anunsyo ni Wowowin host Willie Revillame na pinaplano niyang gumawa ng sitcom kasama si John Lloyd at Andrea Torres.

Matapos ang meeting, nag-share din ng photo si Vice President for Program Management Joey Abacan sa Instagram.

Ano kaya ang isa pang gagawing project ni John Lloyd sa GMA-7? Abangan!

One thought on “John Lloyd Cruz, bibida sa 2 Kapuso shows!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *