Joaquin Domagoso, pinayuhang ‘wag magsalita

Pinayuhan ng GMA-7 na huwag na munang magsalita si Joaquin Domagoso at ang kampo nito tungkol sa napapaulat na nabuntis umano nito ang kapatid ni Claire Castro.

Magbibigay ng pahayag ang binatang anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin ngunit hindi pa sa ngayon.

Panahon pa lang noon ng pangangampaniya para sa eleksyon ay gusto na umano ito aminin ni Joaquin ngunit pinayuhan siya na manahimik na lang muna.

Kung matatandaan, nasa First Lady pa ang young actor na kung saan ay ka-partner pa niya si Cassy Legaspi na magtatapos na sa darating na Biyernes.

Meron pa itong pelikulang isu-shoot, ito ang Big Boyz kasama niya sina Alice Dixson, Gardo Versoza at iba pa.

Pagkatapos ng First Lady ay meron pa raw gagawin si Joaquin sa GMA pero hindi pa muna puwedeng sabihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *