Jo Berry, muling bibida sa teleserye

Muling mapapanood sa telebisyon si Jo Berry matapos ang high-rating TV series na Onanay at The Gift.

Bibida si Jo sa isang drama series na kapupulutan ng inspirasyon dahil siya ay little person na may malaking pangarap.

Gusto niyang maging isang matagumpay na negosyante at magkaroon ng sariling kumpanya.

Para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya, gagawin niya ang lahat at maging ang online gaming ay papasukin niya.

Iba sa mga nakagawian niyan role sa mga nakaraang proyekto, dito ay single at dalaga si Jo na mai-inlove sa isang love triangle kasama sina Juancho Trivino at Rodjun Cruz.

Bukod sa love triangle, aabangan din ang pagganap ng mga batikang aktor na sina Angelika dela Cruz, Sherilyn Reyes-Tan, Jenine Desiderio, at Jestoni Alarcon.

Ipakikilala rin sa serye ang magagandang aktres na sina Gabrielle Hahn at Vanessa Peña, na bagong kagigiliwan ng mga manonood.

Ang upcoming series ay sasailalim sa direksyon ni L.A. Madridejos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *