Jhong Hilario, hindi na babalik sa It’s Showtime!

Ipinagkatiwala na ng ABS-CBN kay John Prats ang pagdi-direk ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Amazed daw ang hosts at mga staff ng programa dahil sa maraming pagbabagong ginawa nito, kabilang na ang pag-a-upgrade ng mismong studio na ginagamit nila.

Nananatili pa ring regular host ng show sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Ryan Bang at Kim Chiu.

Nauna nang umalis si Jaya bilang hurado sa segment nilang Tawag ng Tanghalan para makasama ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.

Marami rin ang nagtatanong kung babalik pa ba bilang host si Anne Curtis dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood ng Kapamilya viewers.

Nauna nang nilinaw ni Anne na hindi siya aalis sa Kapamilya network at babalik pa siya sa Showtime.

Samantala, nakarating sa amin ang balitang nag-resign na raw talaga sa programa si Jhong Hilario.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *