Jennylyn Mercado at Xian Lim, nagsimula nang mag-taping para sa ‘Love. Die. Repeat’

Matapos ang ilang araw na hotel quarantine, ready na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at bagong Kapuso star na si Xian Lim para sa upcoming GMA series na Love. Die. Repeat.

Kasalukuyan nang nasa taping bubble ang dalawang Kapuso stars kasama ang iba pang artista at production staff.

Isang photo ng dalawa ang ini-upload sa kani-kaniyang Instagram stories noong Lunes, September 6, kung saan makikita ang direktor nito na si Irene Villamor na bini-brief ang lead stars ng series.

Saad ni Direk Irene sa kaniyang IG story, “Setting up good vibes and pa-ready na rin sa actual taping.”

Ang unang cycle ng kanilang lock-in taping ay tatagal ng halos isang buwan kaya naman sinigurado ni Xian na nadala niya ang lahat ng mga essential na gamit niya.

Sa kaniyang Instagram post noong Lunes, ginawang mini gym ng aktor ang balcony sa kaniyang kuwarto sa hotel, kung saan makakapag-workout siya tuwing break at rest days.

Kasama rin sa cast ng Love. Die. Repeat. sina Gardo Versoza, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Victor Anastacio, at Lui Manansala.

Dapat ay kasama sa cast si Kim Domingo pero pinalitan siya ni Myrtle dahil nag-positibo siya sa COVID-19 virus.

Malapit nang mapanood ang Love. Die. Repeat. sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *