Jasmine, masayang muling makatambal si Alden Richards

Malaki ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith, na sa kabila ng pandemyang pinagdaraanan natin ay may bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambala ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Ang The World Between Us ay isa sa 100 new shows ng network na gagawin this year.

Ito rin ang pangatlong beses na pagsasama nina Alden at Jasmine sa isang project, una ang Imagine You & Me kasama si Maine Mendoza at sinundan ng first installment ng drama anthology na I Can See You: Love on the Balcony.

Available na sa Netflix ang Love on the Balcony at ni-replay din ng GMA-7 noong Holy Week.

“I’m happy that despite the pandemic, I continue to get assignment and be busy,” ani Jasmine.

“Last year, tinapos ko rin muna ang lock-in taping namin ng Descendants of the Sun.

“Hindi ko pa alam kung kailan magsisimula ang lock-in taping namin ni Alden, one of the nicest guys in showbiz and it’s always a joy to be working with a fine actor like him.”

Balitang magsisimula na ang lock-in taping ng The World Between Us ngayong Mayo at kasama rin nila sa cast si Tom Rodriguez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *