Jasmine Curtis-Smith, lumipat na sa ibang talent management agency

May post sa Instagram si John Lloyd Cruz na larawan nina Jasmine Curtis-Smith at Maja Salvador na magkasama.

Caption ng actor sa kaniyang post ay “Bituin”.

Ang Crown Artist Management nina Maja, Rambo Nuñez at kanilang business partners ang bagong talent management ni Jasmine ngayon.

Kinumpirma naman ni Jasmine ang pagpapalit niya ng management company sa post na “To new beginnings at @crownartistmgmt” at kinowt ang German theologian at philospher na si Meister Eckhart sa sa sinabing “And suddenly you know: it’s time to start something new and trust the magic of new beginnings.”

Dahil pareho na ng manager at may kontrata sa GMA Network si Jasmine at magkakaroon ng sitcom sa Kapuso network si John Lloyd, hindi malabong magsama silang dalawa sa isang project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *