Jasmine Curtis-Smith at Glaiza de Castro, bida sa top-grossing horror film

Malaki ang pasasalamat ni Jasmine Curtis-Smith sa mainit na pag-welcome ng kaniyang mga tagahanga sa pinakabagong horror film na Midnight in a Perfect World.

Ayon sa aktres, happy siya sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa pelikula na kasalukuyan ay streaming pa rin sa Upstream.ph.

Gayundin, inilarawan ng aktres ang kaniyang co-star na si Glaiza de Castro bilang magaan lang na katrabaho.

“Working with Glaiza on this film was such a relief, a fresh air. [She’s] very easy to get along with, and she’s a very cool person. She’s very professional with her work ethics,” saad ni Jasmine.

Kaugnay nito, patuloy ang imbitasyon ng kapatid ng artista ring si Anne Curtis sa mga sumusuporta sa film industry ng Pilipinas at sa mga walang sawang tumatangkilik sa kanilang proyekto.

Ang pelikulang Midnight in a Perfect World ay mula sa direksyon ni Dodo Dayao. Una na itong inilabas ng QCinema International Film Festival 2020, kung saan ito rin ang itinanghal na highest grossing film.

Kasama rin nina Jasmine at Glaiza sa cast sina Anthony Falcon, Dino Pastrano, Bing Pimentel, Soliman Cruz, Dolly de Leon, Charles Aaron Salazar, at Brian Sy.

Panoorin ang trailer:

Available for streaming ang pelikula hanggang February 28, 2021 11:59 PM (PHT).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *