Janine Gutierrez, walang pake sa bagong ‘dyowa’ ni Rayver Cruz

Diretsahang tinanong ni Vice Ganda si Janine Gutierrez kung naka-move on na ba ang aktres sa kaniyang past relationship.

Isa kasi sa mga tanong sa game segment na nilaro ni Janine sa Kapamilya noontime show ay kung kailan daw magiging maluwag sa loob mo kapag nagkaroon na ng bagong dyowa ang ex mo. Kaya tuloy natanong ang Kapamilya actress kung siya ba ay naka-move on na.

Tumawa lang si Janine at nagbiro na wala siyang mic. Pero bigla niyang sagot, “Kasi kung mas maganda ka, wala ka nang pake.”

Hirit naman ni Vice, “Ay, mas maganda ka sa pinalit sa’yo?”

“Sinasabi ko lang in general,” biglang kambyo ni Janine. Napabalita kasing nag-break na sila ni Rayver Cruz.

Sumabat naman si Kim Chiu at tinanong kung pinagpalit ba siya ng ex niya. Tanong niya, “Ipinagpalit ka ba Janine? Hindi ko pa kasi nakakausa ‘yun.”

Pinilit naman ni Janine na tapusin na ang usapan at sinabing, “Wala namang ganu’n. Huy, sumagot. Halika na, ituloy na natin ito!”

Samantala, sinabi naman ng nanay ni Janine na si Lotlot de Leon na masaya ang kaniyang anak sa ABS-CBN at mayroon nga raw itong bagong makakapareha.

“Sa ABS-CBN siya masaya ngayon. Meron pa siyang bago,” ani Lotlot.

May bagong serye si Janine kung saan makakatambal niya ang isa ring galing sa GMA Network na si Lovi Poe, ang “Sleep with Me,” isang iWantTFC original na mapapanood sa 2022.

Ito ang kauna-unahang beses na magkakatrabaho ang dalawa at sa isang LGBT-themed series pa na co-produced ng Dreamscape Entertainment at Project 8. Ididrek ito ni Samantha Lee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *