Jackie Rice, nag-react sa rumor na gaganap siyang Valentina: “Gusto nyo ba?”

Naging usap-usapan sa social media ang rumor na ang Kapuso actress na si Jackie Rice ang gaganap na “Valentina” sa upcoming TV adaptation ng “Darna” na ipoprodyus ng JRB Creative Production para sa ABS-CBN Entertainment.

Maraming netizens ang nag-react at nagsabing bagay nga daw kay Jackie ang role pero marami rin ang gusto siyang manatili sa GMA-7.

Sa nauna naming ulat tungkol sa rumor na umabot na sa mahigit limang libong reaction at halos isang libong comments, napag-alaman naming wala na sa Artists Catalog ng GMA Artist Center si Jackie.

Wala na rin kaming nababasang recent articles about kay Jackie sa official website ng GMA Network.

Ganitong-ganito rin kasi ang nangyari noon bago lumipat sina Janine Gutierrez, Sunshine Dizon, at Lovi Poe sa ABS-CBN.

Samantala, nasilip namin ang IG story ni Jackie at nag-react siya sa aming ibinalita.

Lakip ang screenshot ng aming Facebook post, tinanong ni Jackie ang kaniyang followers kung “Gusto nyo ba” na siya ang gumanap bilang Valentina sa inaabangang Darna: The TV Series?

Anong masasabi mo, Kaburyong?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *