Ivana Alawi, sinalo ang iniwang project ni Bea sa ABS-CBN

Si Ivana Alawi na ang ipinalit ng ABS-CBN kay Bea Alonzo sa teleserye na gagawin sana ng dating Kapamilya actress with Richard Gutierrez bago pumirma ng kontrata sa GMA-7.

Ito umano ‘yung Kahit Minsan Lang na nakapag-start na ng taping bago nagpandemya, pero nagdesisyon na si Bea na lumipat noon ng Viva at hindi nagtagal ay naging Kapuso na.

Though medyo iniba na raw ang kuwento, pero ito raw talaga ‘yung Kahit Minsan Lang.

This time, apat na ang leading man ni Ivana, sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

A Family Affair na ang bagong title nito at ito ang magsisilbi ring launching project ni Ivana.

Samantala, napabalita namang kumpirmado na ngang gagawin ni Bea ang local adaptation ng K-Drama na Start-Up, katambal si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Makakasama nila sa Start-Up sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *