Isko Moreno, inakusahang ginagamit ang ABS-CBN sa pangangampanya

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kapag siya ang nanalong pangulo ay bibigyan niya ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ipinasara ang ABS-CBN at hindi binigyan ng panibagong prangkisa ng mga kongresista dahil sa mga nakita umanong paglabag sa prangkisa nito.

Bagama’t marami rin namang netizens ang natuwa sa sinabi ni Mayor Isko, may mga nag-akusa naman sa kaniya na ‘user’ at ginagamit lang daw ang ABS-CBN para makahakot ng boto sa supporters nito na hanggang ngayon ay umaasang magbubukas uli ang istasyon kapag nagpalit na ng administrasyon.

May mga netizens pa ang nagsabing obvious na masyado raw pabida si Yorme Isko at umay na umay na rin daw sila sa 1-minute TV ads nitong halos maya’t maya ipinapalabas.

Mukhang desidido naman si Yorme Isko na manalong pangulo dahil sa kabila ng mga paninira sa kaniya bago pa man siya magdeklarang tatakbo sa 2022, hindi siya pinanghinaan ng loob.

Abangan na lang natin kung saan makakarating ang pangarap ng dating basurero na naging artista at ngayon ay mayor ng Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *