Ilang Kapuso shows at personalities wagi sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards

Patuloy na umaarangkada ang GMA Network ngayong taon dahil maraming Kapuso shows at personalidad ang kinilala sa katatapos lang na 2021 Platinum Stallion National Awards ng Media and Communication Department ng Trinity University of Asia.

Ayon sa press release ng educational institution, ang pagkilalang ibinibigay ay pinipili ng buong komunidad ng Trinity University of Asia, kabilang ang mga mag-aaral, faculty, alumni, staff, at ibang stakeholders.

Kinilala ang GMA-7 bilang TV Station of the Year samantalang ang groundbreaking family drama series na Legal Wives, na pinagbidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali, ay kinilala bilang Culturally Relevant TV Series.

Samantala, limang awards naman ang ibinigay sa GMA News and Public Affairs na kinabibilangan ng i-Witness (Best Documentary TV Show) at ang top-rating news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (Best News Magazine Program).

Kinilala namang Female News Personality of the Year si Pia Arcangel para sa Saksi, Best Public Service Show Host naman si Vicky Morales para sa Wish Ko Lang, at Male News Personality of the Year naman si Atom Araullo para sa State of the Nation.

Kinilala rin ang Super Radyo DZBB 594 at Barangay LS 97.1 bilang AM and FM Radio Station of the Year.

Narito ang kumpletong listahan ng mga Kapuso personalities and shows na nag-uwi ng parangal sa 2021 Platinum Stallion National Media Awards:

Television

Best Documentary TV Show
i-Witness

Best News Magazine Program
Kapuso Mo, Jessica Soho

Best TV News Program
24 Oras

Best Public Service Program
Wish Ko Lang

Best Morning Show
Unang Hirit

Culturally Relevant TV Series
Legal Wives

COVID-19 Documentary of the Year
“Ako si Patient 2828” (i-Witness by Howie Severino)

Female News Personality of the Year
Pia Arcangel (Saksi)

Best Public Service Show Host
Vicky Morales (Wish Ko Lang)

TV Station of the Year
GMA Channel 7

Male News Personality of the Year
Atom Araullo (State of the Nation)

Best Regional TV Network
GMA Regional TV

Radio

AM Radio Station of the Year
Super Radyo DZBB 594

FM Radio Station of the Year
Barangay LS 97.1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *