‘I-Witness,’ nagwagi sa Deauville Green Awards sa France!

Nagwagi ang dokumentaryo ni Howie Severino sa I-Witness na “Mask Land” sa Deauville Green Awards sa France.

Ang Deauville Green Awards ay isa sa mga pinakamatatandang environmental film festivals sa mundo.

Ang “Mask Land” ay nagwagi ng Silver Green Award sa Health and Living Environment category.

Sa kasagsagan ng COVID surge noong 2021, hindi na kinailangan ng team ni Howie Severino na dumayo pa sa malayo para makapag-produce ng isang napapanahong dokumentaryo.

Sa baybayin lang ng Manila Bay ay matatagpuan ang mga hindi napansing epektong nilikha ng COVID, ang napakaraming itinapong face masks na itinuturing na hazardous waste.

Sa ilalim naman ng dagat ay nagtatago ang mas marami pang face masks na maaaring makasira sa mga coral at kumitil sa marine life.

“Like everyone else in 2021, our movements were very limited. Good thing my team found an urgent topic nearby that many around the world could relate to,” sabi ng program host at manunulat na si Howie Severino, na nagtungo sa Deauville, France para tanggapin ang napanalunang silver trophy ng dokumentaryo on behalf of GMA Netwrok and I-Witness.

“The pandemic has challenged all of us to produce quality work under very stringent conditions. My talented and courageous team stepped up,” dagdag ni Severino.

Bukod sa naiuwing karangalan para sa Pilipinas, ikinuwento rin ni Severino ang isa pang prize na kaniyang natanggap.

“The other prize at the Green Awards festival was finally being able to fly somewhere after more than two years of being constricted,” aniya. “Meeting new people face-to-face again felt like such a fresh experience. We’ve all missed that.”

Ang Deauville Green Awards ay isang international film festival na kumikilala sa pinakamagagaling na environmental reporting. Kabilang sa 100 finalists mula sa 500 entries sa buong mundo, ang “Mask Land” ay nagbibigay liwanag sa problema natin sa polusyon sa karagatan dahil sa single-use items gaya ng mga plastic at medical masks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *