‘Hugot’ ni Bea Alonzo sa ‘Bubble Gang,’ nag-viral!

Special guest ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo sa longest running gag show na Bubble Gang nito lang Biyernes.

Marami ang naaliw sa kaniyang first appearance dahil nag-viral ang isa sa mga hugot line nito na ipinalabas bilang teaser video ng nasabing show.

Sa nasabing video ay pinag-uusapan nila ng kaniyang kasama ang insurance para sa love.

“Siyempre, ang dami ko nang na-invest sa kaniya, no. Siyempre, ang dami na naming oras na pinagsamahan, tapos ang dami ko na ring mamahaling regalong naibigay sa kaniya. Tapos, aagawin lang siya ng iba?!” hugot ni Bea.

Marami tuloy netizens ang naaliw sa hugot line niya kaya naman hindi kataka-takang nag-viral ito.

Mukha raw kasing true-to-life ang hugot ni Bea lalo na at kontrobersyal ang kaniyang break-up sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Samantala, happy naman na ngayon ang aktres sa kaniyang kasalukuyang nobyo na si Dominic Roque. At parte lang talaga ng Bubble Gang ang hugot niya at nothing personal naman siguro.

Samantala, nag-guest na rin ang Kapuso star sa GMA talk show na Mars Pa More. Dito nga ay sumalang siya sa Laglagan segment ng programa.

Dito niya naikuwento na si Dimples Romana ang unang nakaalam ng kaniyang desisyon na maging Kapuso star.

Nang tanungin naman siya kung anong klase siyang nobya kay Dominic, tila may hugot ang naging sagot ng dalaga.

“Ay, chill lang ako. Kahit sa kanino. Kaya nga eh…” natatawang sagot ni Bea.

“Sumobra ‘yung chill kaya nakakalusot ‘yung iba,” sabat naman ni Iya, na sinang-ayunan ng aktres.

Inamin rin niya na willing siyang makatrabaho ang kaniyang naging ex-boyfriend ngunit depende pa rin daw kung sino ito.

“Siguro alam na ng mga tao ito, self-explanatory. Depende talaga sa ex,” sabi ni Bea.

“Kung si Zanjoe, okay lang,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *