How did The Killer Bride finale fare in ratings game?

Nagwakas na noong Biyernes, January 17, ang primetime series na The Killer Bride na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa pagtatapos nito, hindi na mapigilan ang paghihiganti ng kaluluwa ni Camila (Maja) kay Alice (Precious Lara Quigaman), ang taong pumatay sa kanya.

Dumating sa mansyon si Vito (Geoff Eigenmann) at ibinunyag kay Camila na si Emma (Janella Salvador) ang kanilang nawawalang anak na si Vida.

Matapos malaman ni Camila ang katotohanan, humingi s’ya ng tawad kay Emma at nangakong babantayan n’ya ito sa langit.

Pagkaalis ni Camila, dumating naman si Alice at binaril si Emma pero hinarang ito ni Vito at s’ya ang tinamaan.

Para matapos ang kaguluhan, pinatay ni Luis (Sam Concepcion) ang kanyang sariling ina.

Lumipas ang ilang buwan at nagpatuloy sa pagsisilbi bilang mayor ng Las Espadas si Luis.

Nagbigay-pugay s’ya kay Camila, na s’yang naging dahilan upang maputol ang sumpa sa Las Espadas dahil sa hindi matapus-tapos na awayan ng mga Dela Torre at mga Dela Cuesta.

The Killer Bride Finale Ratings

Mula January 6, naungusan ng The Killer Bride ang katapat nitong programa sa GMA-7 na One of the Baes.

Ayon sa datos mula sa Nielsen Philippines, nakapagtala ang The Killer Bride Finale ng 10.5%.

Samantala, nakakuha naman ang One of the Baes ng 8.1%.

Ang One of the Baes ay nakatakda na ring magtapos ngayong Pebrero. Ito ay pinagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *