Hit the Top, ngayong Lunes na!

Magbabalik Philippine TV ang lead actor ng The Baker King na si Yoon Shi-Yoon sa bagong handong ng GMA Heart of Asia na Hit the Top.

Kasama rin ni Yoon Shi-Yoon ang aktres na si Lee Se-Young na huling napanood dito sa Pilipinas sa Hwayugi: A Korean Odyssey na ipinalabas naman sa ABS-CBN.

Gaganap ang bida ng The Baker King sa Hit the Top bilang si Kenji, isang sikat na idol singer noong 1993.

Lee Se-Young and Yoon Shi-Yoon in Hit the Top
Lee Se-Young bilang Wendy at Yoon Shi-Yoon bilang Kenji

Dahil sa isang aksidente, mapapadpad siya sa taong 2017! Makikilala niya dito sina Jiro (Kim Min-Jae) na nangangarap maging isang sikat na singer at si Wendy (Lee Se-Young) na nagre-review naman para sa civil service exam.

Matutuklasan din ni Kenji na inaakala ng lahat na namatay siya matapos ng biglaan niyang pagkawala. Bukod dito, magugulat siya dahil maririnig niyang may ibang kumakanta at umaako ng mga awit na komposisyon niya.

Ang ’90s boy na si Kenji, kailangang mabuhay sa mabilis na mundo ng 2017 habang naghahanap ng paraan na makabalik sa 1993. Pero bakit nga ba siya dinala ng tadhana sa 2017?

Abangan ang throwback story ng Hit the Top na magsisimula na ngayong January 20, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GMA News TV.

Isa lamang ito sa mga bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong 2020 sa ika-70 anibersaryo ng GMA Network.

Kasabay rin ng Hit the Top ang pagbabalik ng Thai series na The Crown Princess na mapapanood naman bago ang Eat Bulaga sa GMA Channel 7.

Marami pang bagong pasabog ang GMA, kaya kapit lang mga Ka-Boredmate!

ALSO READ: GMA Heart of Asia Upcoming Shows 2020

Stay tuned Boredmates! Like our Facebook page to keep updated with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our future videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *