Hindi para manalo: Kisses Delavin, inamin ang totoong dahilan sa pagsali noon sa PBB

Inamin ni Miss Universe Philippines candidate Kisses Delavin na gusto lang daw niyang makapasok sa showbiz kaya siya sumali noon sa reality competition show na Pinoy Big Brother noong 2016.

Although isang reality show para dapat sa mga non-celebrity, mas nakilala ang Pinoy version ng Big Brother franchise bilang isang platform ng mga gustong makapasok sa showbiz.

Pag-amin ni Kisses, “I wanted really not to win PBB because I always thought that it would defeat the purpose.

“Because it’s a talent show and the winner has to have a car or house and lot, and I didn’t really need that. I just want to go into showbiz.”

Nag-second place si Kisses at si Maymay Entrata ang itinanghal na big winner sa batch nila. Hanggang ngayon daw ay magkaibigan pa rin sila ni Maymay at todo ang suporta nito sa pagsali niya sa Miss Universe Philippines.

“I really felt like these friends were my siblings inside the PBB house. I would do anything for these people,” dagdag pa ni Kisses.

Sa pagsali ni Kisses sa Miss Universe Philippines 2021, marami na raw siyang natutunang gawin, lalo na sa kaniyang advocacy para sa hometown niya na Masbate.

Kahit may mga basher, patuloy lang si Kisses sa magandang gawain niya kaya naman mas marami pa rin ang sumusuporta sa kaniya.

Patuloy ng dalaga, “You’re your own advocate. You’re your own protector. You’re your own knight. So you have to fight for yourself.

“We know some people who like to bash. There are also some people who would say they like and they genuinely do but they don’t see your work as how you see your work. You have to discern.”

Nakapasok naman si Kisses sa Final 30 ng Miss Universe Philippines at sa September 25 na ang coronation night.

Ang mananalo sa pageant ay magre-represent ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa December.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *