Hindi pa rin afford ang TF? Anne Curtis, laging nauudlot ang pagbabalik sa ‘It’s Showtime’

Not anytime soon pero umaasa si Anne Curtis na makababalik siya bilang host sa It’s Showtime.

Matatandaang umalis ang aktres sa programa noong December 2019 upang manganak sa Australia.

Marso noong isang taon nang ipanganak ni Anne si Dahlia at mula noon ay doon sa Australia pansamantalang nanirahan ang aktres kasama ang asawang si Erwan Heusaff.

Pebrero nitong taon lang nakabalik sa Pilipinas ang aktres at ang kaniyang pamilya.

Nang tanungin kung may balak na ba siyang bumalik sa It’s Showtime, sagot niya, “Siyempre malapit na. I am just very cautious din kasi minsan akala ko na nga na babalik na ako. Tapos biglang aakyat ‘yung cases (ng COVID-19), tapos napapraning ako.

“Dahlia is quite young pa. I am just being very cautious muna. But soon, babalik ako for sure ‘yon. Babalik talaga ako for sure.”

Bukod sa hosting ay hinahanap-hanap na rin daw ngayon ng aktres ang paggawa ng mga pelikula.

Patuloy ng aktres, “Nami-miss ko din talaga umarte. That’s another thing that this time has given me.

“Nakakanood na ako ng napakaraming teleserye and K-Dramas and mga Spanish series. I am super into it. When you watch these films and these series as an actress, nagaganahan ako. Nami-miss ko, so I know talaga na babalik ako.”

Dahil hinahanap-hanap na ang pag-arte sa harap ng kamera ay posibleng gumawa ng teleserye si Anne sa susunod na taon.

Aniya, “Who knows maybe as early as next year, I might do a series again or a film. I think I could make it work talaga.”

Nauna nang napaulat na nakipag-meeting si Anne sa executives ng GMA Films at GMA Network para umano sa isang upcoming film na ipinitch sa kaniya.

Dahil sa meeting na ito, umugong ang balitang baka raw lumipat na si Anne sa Kapuso Network gaya ni Bea Alonzo. Pero nilinaw ni Anne na babalik pa raw siya sa noontime show ng Kapamilya Channel.

“We’ll see how things are next year. Baka mamaya nag-a-attend ng pre-school, kinder na si Dahlia.

“That gives me a time din to go do Showtime. We’ll see how things go. I am really hoping na next year, things will be better for us,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, puspusan naman ang paghahanda ni Anne sa kaniyang nalalapit na digital concert na ipalalabas raw ngayong taon at may pelikula rin siyang gagawin early next year.

Bagay na ipinagtataka ng supporters ng aktres, dahil bakit siya pumayag na gumawa ng digital concert kung ayaw pa niyang lumabas?

Tukso tuloy ng ibang netizens, baka hindi daw pumayag ang management agency ni Anne na bawasan ng kalahati ang talent fee ng aktres.

Mukhang hindi rin makakatulong sa aktres ang pagbabalik niya sa noontime show dahil kahit madalas nababasa sa mga entertainment sites ang It’s Showtime, hindi naman ito nagre-rate at hindi man lang nakapasok sa TOP 30 Programs.

Magkano kaya ang gastos ng PR team ng Showtime? Walang mintis eh, araw-araw may bagong isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *