Hindi nakapagpigil: Arnold Clavio, pumalag sa fake news

Hindi na napigilan ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio na mag-react tungkol sa kumakalat na fake news sa social media at ginamit pa ang logo ng 24 Oras.

Isang fake news kasi ang kumakalat kung saan ginamit nito ang screengrab mula sa naturang show at pinalitan ng headline na “MGA SIKLISTA, PWEDE NANG MAG LONGRIDE BASTA HUWAG LANG SILA LALAYO”

Bagamat halata ang sarcasm sa naturang post ay marami pa rin ang naniwala sa naturang fake news at marami rin ang netizens na patuloy na nagpapakalat nito sa social media.

“Hindi ko na po matiis. Ilang beses na rin na pabalik-balik sa akin ang post na ito. Sasabihin ko na po na ito ay malinaw na fake news,” saad ng broadcaster sa kaniyang IG post.

Sinabi pa ni Arnild na bisitahin ang kanilang official page para raw hindi naliligaw ang netizens.

“Ang nakakagulat maraming naniwala sa sektor ng mga siklista. Common sense Team Bulalo, sa caption pa lang ‘long ride’ tapos huwag lalayo?

“Kaya pakiuwap, huwag na pong ikalat,” dagdag pa niya.

Naka-tag rin sa post ang kasamahan nitong si Pia Arcangel na kasama sa kumakalat na screengrab.

Sa aming pananaliksik, napag-alaman namin na ang kumakalat na pekeng screengrab ay kinuha mula sa report ng 24 Oras Weekend na umere noong April 11, 2021.

Hindi ito tungkol sa pagpapahintulot sa mga “siklista” na “mag-longride,” kundi tungkol sa curfew na ipinatupad sa Metro Manila habang naka-MECQ mula noong April 12 hanggang 30.

Narito ang kabuuan ng video:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *