“Hindi ako kabit”: AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla

Humingi ng tawad ang sexy actress na si AJ Raval sa kapwa artista na si Kylie Padilla matapos niyang ibahagi sa social media ang pahayag na nag-aakusa kay Kylie ng pangangaliwa sa asawa.

Ika-19 ng Oktubre nang basagin ng aktor na si Aljur Abrenica ang kaniyang katahimikan sa isyung “cheating” na una umanong ginawa ni Kylie sa kaniya. Naging viral ito sa social media at ibinahagi naman ni AJ — na siyang nililigawan ngayon ni Aljur.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I’m really sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun,” wika ni AJ sa kaniyang TikTok account nito lang Miyerkules.

“It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself. Kaya lang, mali ‘yung way ko.”

Una nang nanindigan si AJ, anak ng action star na si Jeric Raval, na hindi siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Aniya, hindi siya naging third party sa kanilang mag-asawa at wala siyang ginagawang masama.

“People are accusing me sa bagay na hindi ko naman ginawa. Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong home wrecker, which is hindi naman totoo,” dagdag pa ni AJ sa kaniyang TikTok video.

“Wala akong sinirang pamilya, never akong naninira ng pamilya. Pati family ko nadadamay ko, ‘yung parents ko.”

Tanggap naman daw ni AJ na maaring naging “immature” siya sa sitwasyon at kailangang mag-grow at pilit humihingi ng pagpapasensya.

‘Tell them who cheated first’

Matatandaang sinabi ni Aljur na panahon na upang aminin ni Kylie kung sinong unang nagloko sa kanila, na siya umanong dahilan ng kanilang hiwalayan.

“Breaking silence.. Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statements for your self gain,” banggit ng aktor.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves (sic) to know.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *