GMA Telebabad, mas palaban ang bagong primetime lineup!

Mas palaban at tagos sa puso ang bagong lineup ng GMA Telebabad simula ngayong Lunes, August 30.

Dahil naka-season break ang The World Between Us, mag-uumpisa ang GMA Telebabad programming nila sa Legal Wives, Endless Love, The Penthouse Season 2, at The Sand Princess.

Mas maaga nang mapapanood ang cultural family drama series na Legal Wives na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Susunod naman ang Philippine adaptation ng hit South Korean series na Endless Love na nagbabalik sa dati nitong timeslot. Mapapanood na ito Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 pm.

Pinagbibidahan ang Endless Love nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Johnny at Jenny, kung saan kasama rin nila sa Dennis Trillo, Bela Padilla, at Nadine Samonte.

Mga makapigil hiningang mga eksena naman ang hatid ng multi-awarded at top-rating South Korean Drama series na The Penthouse Season 2.

Bago naman matulog ay maghahatid muna ng saya at kilig ang GMA Telebabad sa pamamagitan ng Lakorn (Thai Series) na The Sand Princess.

Tiyak na aabangan din ngayon kung sisipa sa mas mataas na numero ang rating ng Legal Wives, matapos sabihin ng writer nitong si Suzette Doctolero na hangad niya ang mas mataas na rating dahil dekalibre at hindi ito traditional o formula soap.

Sinabi rin ni Suzette na hindi raw basura ang Legal Wives kaya ‘wag daw munang husgahan dahil hindi rin ito kabitan at sampalan.

Bukod sa timeslot shuffle sa GMA Telebabad, magkakaroon din ng pagbabago sa primetime lineup ng GTV.

Simula sa darating na Lunes, mapapanood na rin sa GTV Channel 27 ang simulcast ng Legal Wives na susundan ng G! Flicks.

Makakasalpukan ng Legal Wives ang FPJ’s Ang Probinsyano ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Jeepney TV, at Cinemo. Ito rin ang ikatlong beses na makakatapat ng programa ni Dennis Trillo ang longest-running action series ng ABS-CBN.

One thought on “GMA Telebabad, mas palaban ang bagong primetime lineup!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *