GMA News, naka-10 million subscribers na sa YouTube!

Isa na namang milestone para sa GMA Network!

Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang umabot na sa 10 million subscribers ang YouTube channel ng GMA News, kaya naman eligible na ito para sa Diamond Play Button ng YouTube.

Dahil dito, ang GMA na ang una at tanging network sa Pilipinas na may tatlong YouTube Diamond Play Buttons.

Sa ngayon, ang YouTube channel ng GMA News ay mayroon nang mahigit 8 billion views. Napapanood sa channel ang mga clips mula sa Unang Hirit, Saksi, at 24 Oras. Napapanood rin sa channel ang livestreams ng 24 Oras at GMA News Online.

Ang top video nito ay isang clip mula sa weekly anthology na Karelasyon, na may 36 million views. Sinundan naman ito ng dalawang clips mula sa 24 Oras, na may 13 million at 12 million views.

Nakamit ng network ang una nitong Diamond Play Button noon pang 2019 matapos maabot ng GMA Entertainment YouTube channel ang 10 million subscribers mark.

Nakamit naman ng network ang ikalawa nitong Diamond Play Button last year nang maabot ng GMA Public Affairs YouTube channel ang 10 million subscribers mark.

One thought on “GMA News, naka-10 million subscribers na sa YouTube!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *